Monday, June 07, 2004

Akong’s Ring-A-‘Ding

I re-discovered this piece written by Akong Bongcaras right after the first movie came out. Akong’s part of the comedy improv group SPIT. Not surprisingly, he’s also a writer for GMA-7’s comedy shows. And so, with full credit where credit is due, I now give you…

A Scene from “Gaylord of the 'Dings”
Part 1 “Federasyon of the 'Ding”


Starring
LA Lopez as Froda
Bernardo Bernardo as Ganda-Gandalf
Arnel Ignacio as Legs-golas
and Allan K as The Bal-rouge (as in Moulin Rouge)

Eksena:
Fly kaagad ang Federasyon ng 'Ding papalabas ng minahan ng Moria-Carey, keri pa rin ng malditang si Froda ang singsing. Pero bago sila makalabas ng lungga, may-I-appear ang higanteng ng bakulaw ng anino at apoy, si Bal-rouge, kasingtaas ng sampung Melanie Marquez—butas pa lang ng ilong niya iyon. Pudpod na ang heels ng stiletto ni Legs-golas pero parang anino pa ring sumusunod si Bal-rouge sa likuran nila.


Froda:
Nikew! Bekit be teye tekbew neng tekbew? Nepepegid ne ekew! Bekit hindi mene teyew megtegi se deleweng lengge ne iyewn?
(Naku! Bakit ba tayo takbo nang takbo? Napapagod na ako! Bakit hindi muna tayo magtago sa dalawang lungga na iyon?)

Legs-golas:
Gaga! Hindi lungga iyon! Ilong iyong ng Bal-rouge! Siya nga yung humahabol sa atin eh! Gandalf! Gandalf! Ano ba ang dapat nating gawin?

Ganda-Gandalf:
Correction! Ganda-Gandalf! Emphasis on the "Ganda". Hay naku! Walang sinabi ang beauty niyang Bal-rouge na iyan sa beauty ko! Kaya yan ng powers ko!

Froda:
Sege nge Gendelf!
(Sige nga Gandalf!)

Ganda-Gandalf:
Excuse me Froda, sinabi nang Ganda-Gandalf ang itawag nyo sa akin! Bueno, magtutuos kami! May gusto bang sumama sa inyo sa akin?

Legs-golas:
Mauna ka na! Age before beauty!

Ganda-Gandalf:
Bruha! Pilayin kita diyan eh!

Sa pagkakataong iyon, hinarap ni Ganda-Gandalf ang higanteng halimaw na si Bal-rouge habang tumatakas ang walong ka-Federasyon sa makitid na tulay. Kinuha ni Ganda-Gandalf ang kanyang baston at ang espada si Glamding, nag-strike-a-pose (vouge), ni-recite ang lyrics ng “Papa Don't Preach,” at hinarangan ang daan ni Bal-rouge.

Ganda-Gandalf:
You shall not pass! Ako si Ganda-Gandalf! Alagad ng Sikretong Suklay-at-Gunting! Taga-hawak ng makapangyarihang Blower! You shall not pass! Kahit bangs mo ay hindi makakadaan! Walang sinabi yang apoy ng iyong Pangkulot! You shall not pass!

Bal-rouge:
Ayoko.

Ganda-Gandalf:
You shall not pass!

Bal-rouge:
Hindi pwede.

Ganda-Gandalf:
At bakit hindi pwede, aber?

Bal-rouge:
Eh paano, Two-Diamonds iyang tinapon mo! Wala akong tira! Yan na ang pinakamataas na baraha, gaga!

Froda:
Ekele ke be neglelere sile ng bridge?
(Akala ko ba naglalaro sila ng bridge?)

Legs-golas:
Gaga! Naglalaro sila ng Pusoy Dos! Tayo ang nasa bridge! At kapag hindi tayo umalis, baka lahat tayo ay masinghot pa ng naglalakihang ilong ng Bal-rouge! Diyos ko! Hindi ko kailanman pinangarap na maging kulangot o pesteng ahem ng bakulaw na iyan, ano!

Ganda-Gandalf:
You shall not pass!

Bal-rouge:
Eh sa wala ngang tira eh!

Ganda-Gandalf:
O sige na nga, ako na titira... O bunot! All-up, siyete-pares, sin-flores, hagip pati high!

At sa mga katagang iyon, gumuho ang Mahjong wall ng Bal-rouge kung kaya nahulog siya sa malalim na bangin.

Bal-rouge:
AAAAAAAHHH! KITA KO BAHAY KO MULA RITOOOOOOOOOO!

Ganda-Gandalf:
Umuwi ka na at kanina pa walang makain ang mga anak mo!

Hiningal sa pagod si Gandalf sa quorum, este, sa tagisan nila ni Bal-rouge. At habang patalikod na siya upang balikan ang mga ka-Federasyon niya, sumulpot bigla ang tuchang ng ilong ng Bal-rouge at pinuluputan ang hita ni Ganda-Gandalf. Nahila pababa ng bangin si Ganda-Gandalf at bago mahulog ay napakapit pa siya sa dulong bato. Napasigaw at mabilis na humabol sina Froda at Legs-golas papunta sa bangin.

Froda/Legs-golas:
Gandalf! Gandalf!

Ganda-Gandalf:
Mga hunghang! Sinabi nang Ganda-Gandalf! Emphasis on GANDAAAAAAAAA!

Nakabitiw na si Ganda-Gandalf sa bato at tuluyan nang nahulog sa bangin. Lumuha ang buong Federasyon sa nangyari, pero sa isang mata lang, para siyempre wagi ang dramatic moment.

Froda:
Nekew! Peene ne yen! Wele ne siye! Wele neng teteleng se eten se eteng menge pekekepegsepeleren! Peene ne ngeyen eng Federesyen keng wele ne siye?!
(Naku! Paano na yan! Wala na siya! Wala nang tutulong sa atin sa ating mga pakikipagsapalaran! Paano na ngayon ang Federasyon kung wala na siya?)

Legs-golas:
Alam mo Froda, wala akong naintindihan sa sinabi mo. Kaya tama na iyan, fly na tayo!

Froda:
Pereng eyew keng emeles ditew. Beke meeligtes pe netin siye.
(Parang ayaw kong umalis dito. Baka mailigtas pa natin siya.)

Legs-golas:
Ano ka ba? Let go and let's go! Tara lets, hobbits! Dali, sayang ang araw! Papantayin ko pa ang tan ko sa legs ko. Legs ko, este, let's go Binggo!

Froda:
Eyekew! Eyekewng emelis!
(Ayoko! Ayokong umalis!)

Legs-golas:
Tara na! Sige ka, may moomoo diyan!

Froda:
Sige, tere ne!
(Sige, tara na!)

And they did not move.